Kakainin mo ba ang isang masarap na french cuisine pag nalaman mong isang daga ang naghanda at nagluto nito?
Kung oo, marahil ay dinapuan ka ng leptospirosis o talagang patay gutom ka lang.
Yan kasi ang unang katanungan na pumasok sa isip 'ko pagkatapos mapanood ang latest animation film ng Walt Disney. Ang Ratatouille (rat.a.too.ee).
Sinusundan nito ang pakikipagsapalaran ng isang dagang bukid na gustong maging isang tanyag na chef sa lungsod ng Paris. Kung hindi mo kilala ang Pixar na siyang nag produce ng pelikula ay tiyak na mind rape ka na sa kakaisip kung paano nila nagawang blockbuster ang ganitong klaseng kuwento.
Kumpara sa ibang Pixar films, mas serious ang overall tone ng Ratatouille. Sa 110 minutes na runtime nito ay dalawang beses lang ata ako natawa, witty sana ang mga jokes at maganda ang slapstick timing, pero madali itong natatakpan ng tearjerker moments. Naglalaman din ito ng comical violence at subtle sexual innuendos para sa mga mas mature na audience, pero hindi mo ito agad mapapansin kung isa kang bulag.
Isang obra maestra ang pelikula pagdating sa audio at visual presentation, magmula sa animation hanggang sa voice acting, lahat top-notch. Idagdag mo pa ang natatanging ambiance ng Paris at siguradong madadala ka ng iyong imahinasyon sa ibang mundo.
Kasabay ng matingkad na art direction ay ang malalim na mensahe na nais ihatid ng direktor sa kanyang mga manonood. Ipinagdidiinan kasi nito ang hindi pagiging hadlang ng pisikal na anyo at pinagmulan sa pagpapaunlad ng sariling talento. Kaya kung ikaw si Splinter o Mickey Mouse ay huwag kang mahihiyang makisalamuha sa tao.
Sa huli, ay nag enjoy naman ako at muling nabuhay ang pagkahilig sa mga animation films. Pero kung ako ang papapiliin, hindi daga ang gagawin kong simbolo para sa pelikula, mas aakma siguro kung ipis ang ginawa nilang bida. Hindi kasi masyadong naipakita ang kaibahan ng tao sa daga, dahil kung tutuusin ay mukhang mas malinis at presentable pa ang mga daga sa pelikula kaysa sa employees ng ilang fast food chains sa Metro Manila.