Patapon, definitely not trash.
Posted by Jesto at 02:17 PM on February 25, 2008 in Agham at Teknolohiya.
Ngayon lang ulet ako na-adik sa isang PSP game mula noong... hindi ko na maalala, dahil sa liit ng de-kalidad na laro sa pinakabagong handheld console ng Sony ay bihira kang makakakita ng larong katulad ng Patapon.
Mula sa mga taong lumikha ng loco roco (isa ring psp game na may nakakatuwang pangalan), and patapon ay ang pinakabagong RPG /strategy/ rhythm PSP game na kinaadikan ng mga uhaw na PSP gamers. Ito ay tungkol sa isang tribu ng maliliit na cyclops na walang ibang ginawa sa buhay kundi ang makipaglaban sa evil Zigaton tribe. Pero hindi ganun ka simple, dahil lahat ng kanilang galaw ay may gabay ng naglalaro. Ikaw, bilang si Kami ay kailangang gabayan ang mga Patapons gamit ang sacred drums (na nagmula pa sa cabinet ng mga mangyan). Ang bawat isa sa apat na sacred drum ay may kaakibat na tunog, [] para sa "pata", O para sa "pon", X para sa "don", / para sa "chaka" at ang sariling himig para sa kapitbahay mong mainit ang ulo. Doon ibabase ang mga basic commands tulad ng pag-atake, pag-depensa at paghingi ng milagro ng naka ayon sa 'beat'.
Pero hindi dito nakukumpleto ang gameplay ng Patapon, dahil sinamahan pa ito ng RPG at RTS elements. Ang pagkakataong 'lumikha' ng iba't ibang klaseng Patapons gamit ang mga nakolektang sanga ng puno at karne ay isa lamang sa mga aspeto na nahiram sa isang RTS game. Samantalang, ang pagsosoot naman ng sari-saring kasangkapan sa bawat isa ng iyong hukbo ay nagpapaalala ng elemento ng isang Role Playing Game.
Mahirap bigyang hustisya ang laro sa pamamagitan lamang ng isang materyal na napaka limitado pagdating sa pagpapahayag ng kabuuang karanasan (lalo na kung walang talento ang nagpapahayag), dahil tulad ng larong tetris, sariling karanasan ang kailangan para ito'y kalugdan.
Pata Pata Pata Pon


add a comment