Mga Basag na Panaginip

About Me

your name:

url:

your message:

Entries for October, 2008

October 1st, 2008

My phailed life as a novel

Posted by Jesto at 08:27 PM on October 1, 2008 in Bulyaw sa eskwela.

Lumipas ang panahon at wala na naman akong naisulat sa aking munting espasyo sa internet. Ganun ka boring ang buhay ko, isang mahabang nobela na walang twist at climax. Kung naging libro ako, marahil synopsis pa lang inantok na agad ang mambabasa. Para akong pila sa LTO. Hindi umuusad at nakakabagot.

Marahil pinili ko lang magsulat ng mabagal, dahil tulad sa manunulat ng isang nobela, ako lang ang may kalayaan kung kailan at paano ko isasalaysay ang bawat detalye sa storya ng buhay.

Pero kailan ko nga ba planong simulan ang taluktok ng aking buhay? Kailan ko babanggain si crush sabay titig sa mata? Kailan ako magiging milyonaryo at ipagmamalaki ng buong pamilya? Kailan ko malalamang ampon lang ako?  Kailan ko maililigtas ang mundo sa kamay ng kontrabida? at kailan magbabalikan sina Kristine at Diet?

 

Kailan?

 

Eto na marahil ang pinakamalaking tanong sa aking kwento. Masyado ko kasing napagtuunan ng pansin ang mga maliliit na detalye bago ang pinakamataas na dako ng storya. Takot ako sa malaking pagbabago, takot ako makipagsapalaran. playing-safe sa buhay. At ito ang naging resulta sa huli. Ang pagiging mangmang sa di-inaasahan at isang nobela na mas nakakatamad ng kaunti kay Harry Potter.

 

Buti na lang at may one lifetime pa ako para sa deadline. 

 

 

add a comment