Mga Basag na Panaginip

About Me

your name:

url:

your message:

October 27th, 2007

Ang muling pagkabuhay

Posted by Jesto at 12:38 PM on October 27, 2007 in Agham at Teknolohiya.

Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas ng huli akong magsulat sa tabulas, bukod kasi sa pagsabog ng computer ay nawalan din ako ng oras at interes dahil sa mga nagdaang problema.

Muli kong binasa ang ilan sa aking entrada at napansin 'ko na karamihan pala sa mga ito ay patutsada sa kung gaano ako katamad na tao. Dahil nga ito ang una kong isusulat pagkalipas ng apat na buwan, gusto kong baguhin ang thema.

Balik tayo sa sumabog kong computer. Pagkalipas ng anim na taon at isang buwan na serbisyo ay tuluyan na itong nagpaalam. Sa di malamang kadahilanan ay bigla na lang itong nagpaputok habang nanonood ako ng paboritong programa sa internet. Marahil ay hindi nito kinaya ang 'aksyon' ng pelikula. Pupurihin 'ko na sana ang 'makatotohanang' special effects nang biglang mangamoy bakal na sunog. Bumigay na pala ang power supply at hindi 'ko alam kung ano pang piyesa ang dinamay nito. Resulta siguro ng 24/7.




Kasabay ng pagpanaw, ay dumating naman ang pinakahihintay kong cellphone. Halos dalawang taon din akong naging hustler sa pakiramdaman, dahil nang madukot ang una kong telepono ay hindi na ako muling binilhan. Ignorante ulit ako sa paggamit at muntik madepress nang hindi mag reply ang textmate na si 2366. Pero ayos lang, andyan pa naman si 1515.

Nagkalat ang mga multimedia phones ngayon. Isa sa pinakamagara ay ang Iphone ng Apple na may 3.5 in. liquid crystal display, 2.0 megapixel camera, touch screen interface, web connectivity, customized ringtones at visual voicemail, hindi rin naman pahuhuli ang Symbian phones ng Nokia na may high-speed wireless support tulad ng 3G, HSDPA, at Wireless LAN.


Pero wala itong kinalaman sa bago kong telepono.

Masarap siguro mag may-ari ng isang high-end multimedia phone, pero hindi na ata praktikal ang gumastos ng 40,000 pesos para lang sa isang telepono. Nandiyan naman ang mp3 player para sa mga usong kanta, ang computer para mag email, ang camera para kumuha ng litrato at ang brickgame para sa games.

add a comment

August 3rd, 2007

Pag gunaw ng mundo sa utak

Posted by Jesto at 02:27 PM on August 3, 2007 in Bulyaw sa eskwela.

Nalaman ko na hindi pala ako ang nag-iisang gifted sa klasrum, dahil 1/4 lang ng klase ang pumasa sa midterms.

Walang pasok ngayon, hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko tuloy ay nakikiluksa ang buong Pilipinas sa nakuha naming mga grado.

Nakakainis pa at sinalubong na naman ako kahapon nung grupo ng mga estudyanteng nagbebenta ng ballpen with retractable calender, at himala naging fifty pesos na lang ang tindang "murang" ballpen. Ewan ko kung guni-guni ko lang ba yung seventy-five pesos o nabasa nila ang entry ko.

Nakakapag-init sila ng ulo, hindi dahil sa naiinis ako sa mga pagmumukha nila pero dahil pinapaalala nila kung gaano ako ka-gagong estudyante.
Madalas ko silang makita, halos araw-araw. Para silang mga gutom na langgam na naghihintay ng isang matamis na pagkakataong makabenta. Iniinda ang init, lamig at mga bayolententg reaksyon ng mga taong tulad ko. Nag-sasakripisyo sila para makapag-aral.


Ibang-iba sa sitwasyon ko ngayon.

 

 

add a comment

August 1st, 2007

Pakshet

Posted by Jesto at 03:37 PM on August 1, 2007 in Bulyaw sa eskwela.

Malungkot pa rin ako sa bagsakan kong grades. dapat blanko ang isipan ko ngayon pero sa halip ay naalala ko ang mga nangyari sa akin nitong linggo. mga pangyayaring hindi ko alam kung bakit ko isinulat.

Masuklian ng kulang sa jeep.

Yung tipong nakaupo ka na sa tabi ng driver's seat, plantsado ang polo at kakey, nakalaylay ang I.D. at karga-karga ang mabigat na Jansport bag.

Pero pagkatapos mo magbayad ng buong sampung piso ay susuklian ka pa rin ng dos.

Ano yun gaguhan?

Makasalubong ang mga estudyante na nag o-offer ng ballpen with retractable calendar sa "murang halaga".

Madalas sila sa tapat ng Araneta, lalapit sayo ng nakangiti, magpapaliwanag tungkol sa fund raising at sabay magooffer ng calendar pen sa "murang halaga" na P75.

Walastik. Seventy Five Pesos. Daig pa ang Pilot na may kasamang poster calendar ni Katrina Halili.

Yung batang sigaw ng sigaw sa loob ng sinehan.

Lintek. Wala atang pinalagpas na eksena yung batang iyon sa pagsigaw kung sino si Bumblebee sa kwento ng Transformers. Muntik ko na ngang ipalamon sa kanya ang hawak kong popcorn kung hindi lang ako inawat ni Megan Fox.

 


 

 

Inaatake na naman ata ako ng anxiety. Wala lang. napaka-random ng pumapasok sa kokote ko ngayon. Incoherent. Sana sa mga susunod na araw ay bumalik na ako sa aking katinoan.

3 ang nagtiyaga

Frustrated mang-aawit

Posted by Jesto at 12:20 AM on August 1, 2007 in Bulyaw sa eskwela.

As expected bagsak ako sa midterms. Sa mga oras na ito, gusto ko nang maglaho sa mundo o kaya maging anino.

Mahina talaga ako sa math at analyzation, kamote ako sa calculus at circuits. Nakakapagtaka nga kung paano ako nakarating ng 2nd year, samantalang nalilito pa rin ako kung ano ba talaga ni cosx si -sinx.

NEVER pa akong tumama sa mesh at nodal analysis. Lagi akong nagdarasal para sa consideration points. Mayabang na ako pag may naisulat na 1st equation.

Kung bakit ba kasi pinili ko pang maging inhinyero, dapat talaga ay sinunod ko na lang ang instincts ko noon. Ang maging singer.

 

Doo-bidoo bidoo , bi-doo-bidoo
Doo-bidoo bidoo , bi-doo-bidoo

 

 

/rave ends here

 

 

1 ang nagtiyaga

July 29th, 2007

Bargain

Posted by Jesto at 10:00 PM on July 29, 2007 in Halo-halo.

"Kakaibang laki, Kakaibang sarap"

Yan ang pinakabagong tagline ng isa sa mga produkto ng KFC. Ewan ko kung ano ang pumapasok sa isipan niyo, pero iisa lang naman ang kahulugan niyan. Mas marami ang maisasalpak mo sa iyong gutom na sikmura.


Marahil gimik nga iyan para mahugot ang atensyon (o imahinasyon) ng mga gutom na pinoy. Mga pakulo. Buy 1 Take 1. Unlimited rice. Bottomless drinks. Libreng laruan. Libreng chicks. Lahat ay pabor sa mamimili.


Marami sa atin ang mahilig sa bargain kung saan in-favor ang exchange. Kanina lang sa grocery ay may free-taste ng Eaji snack dip at Beefy hotdogs, higit bente ang nakitikim, pero wala pa ata sa tatlo ang bumili. Yung iba ay garapalan pa kung makahingi, kulang na lang ay magdala ng pinggan at kanin, hapunan na.


Hindi ko alam kung resulta ba ito ng kahirapan o sadyang mapanlamang lang ang pinoy.

Sana lang ay makaisip rin sila ng pakulo para sa mga "totoong" biktima ng kahirapan. Ano kayang bargain ang mayroon sila?

 


 

5 ang nagtiyaga

July 22nd, 2007

Resto ng Tsina

Posted by Jesto at 03:24 PM on July 22, 2007 in Halo-halo.

Ang saya talaga ng araw ko ngayon. Napagpasyahan kasi ng pamilya na kumain sa labas, hindi sa Jollibee, pero sa isang authentic chinese restaurant.

Pagpasok pa lang sa nasabing kainan ay mararamdaman mo na ang authentic chinese ambience. Mula sa mga dekorasyon hanggang sa mga benta nitong pagkain. Mukhang naka-ayon sa Feng-Sui ang lahat at naisipan nilang itapat ang CR sa dining area. Para akong na-teleport sa sentro ng Tsina. Hindi na ako mabibigla kung makita ko si Jackie Chan at Chao Yun-Fat na nag-iisparring sa harap ng counter.

Dahil wala akong kaalam-alam sa pagkaing Intsik maliban sa hamburger, ipanaubaya ko na lang ang pag-order sa kanila. Nagpunta muna ako sa katabing convenience store at umasang may mabibiling katinko ointment para sa makating pusod.

Madami rin palang delicacy ang mga Intsik, hindi ko lang alam kung pasalubong o snacks nila yun, sari-sari kasi ang mga paninda. May salted, dried, fried at sweetened, may mukhang bagoong at may mukhang yema, karamihan pa sa mga ito ay nakasilid sa loob ng bote. candy, prutas, gulay, ulam, preservatives lahat nasa loob ng selyadong bote. Laking dismaya ko ng malamang wala pala silang panindang mga ointments, baka raw malito ang mamimili kung ano ang pagkain at kung ano ang pamahid.

Bumalik na lang ako sa dining area. Handa na raw ang pagkain. Ayos. Gutom na ako.

Masarap naman ang mga pagkain, pero dahil hindi naman talaga kami sanay sa Chinese food, e mas pinili ng pamilya ang mga pagkaing nakasanayan na ng panlasang pinoy. Tulad ng Jiaozi [dumpling], Bali Maki [Chicken BBQ], Hot Pot, at noodles. Meron din naman kaming inorder na medyo exotic. Tulad nung fresh lumpia na may amag after-taste at yung tofu na lasang panis. Sinamahan ito ng isang bowl ng kanin at chopsticks. Hindi talaga ako marunong gumamit ng chopsticks pero dahil gusto kong ma-impress ang chinita sa kaharap na table sinubukan ko itong gamitin . Ayoko na sana ituloy ang kwento, dahil muntik na akong mamatay sa gutom.

Nakakatuwang isipin na kahit na sa isang simpleng eating utensil ay naipapakita ng mga Intsik ang disiplina sa sarili. Importante na meron kang kontrol tuwing gagamit ng chopsticks, hindi sobra, hindi kulang, tamang puwersa.

Ilang beses ding nakipagunahan ang aking bunganga sa mga nalalaglag na kanin, pero sulit ang lahat, dahil sa dalawang minuto na tinagal ko sa paggamit nito ay natutunan kong maging pasensyoso.

add a comment

« | »